Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
Ppt
julianne_bravo
Created on July 5, 2016
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
View
Practical Presentation
View
Smart Presentation
View
Essential Presentation
View
Akihabara Presentation
View
Pastel Color Presentation
View
Nature Presentation
View
Higher Education Presentation
Transcript
Kakulangan at Kakapusan sa bigas
Ang produksiyon ng bigas sa Pilipinas ay mahalaga sa suplay ng pagkain at ng ekonomiya ng bansa. Ang bigas ay ang pinakamalahalagang inaaaning pagkain, pangunahing pagkain para sa buong bansa. Ito ay inaani nang malawakan sa Luzon, Kanlurang Bisayas, Katimugang Mindanao at gitnang Mindanao.
Itinuturing na staple food o pangunahing pagkain ng mga Pilipino ang bigas, kaya dapat mabibili ito sa kahit anumang panahon at sa abot-kayang presyo, lalo na ng mga mahihirap. Pero sa mga nakalipas na taon, papataas ang presyo nito. Ang tanong, kakulangan lang ba talaga sa suplay ng bigas ang dahilan ng pagtaas ng presyo o sadyang may kumokontrol o nagmamanipula sa presyo nito sa merkado?
Ang epekto ng mataas na presyo ng bigas sa ating mahihirap na kababayan. Si Eloisa, mag-isang itinataguyod ang limang anak matapos silang iwanan ng kanyang asawa noong nakaraang taon. Araw-araw malaking problema para kay Eloisa kung saan kukunin ang pagkain ng kanyang anak lalo na ang kakaining bigas. Nasa apatnapung piso lang daw kasi ang kinikita niya sa pagtitinda ng mga banig at minsan wala pang benta kaya may mga pagkakataong isang beses lang sila kumain sa loob ng isang araw.
Isa lang ang pamilya ni Eloisa sa mga dumaraing sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na ng bigas. Katunayan, kung pagbabasehan ang datos ng Bureau of Agricultural Statistics, mula taong 2010 hanggang 2013 ay patuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado. Pero ayon mismo sa National Food Authority o NFA, isa sa maaaring dahilan ng pagtaas ay ang manipulasyon ng isa umanong rice cartel o grupong may hawak ng malaking suplay ng bigas. Maging ang rice smuggling o ilegal na pagpasok ng bigas sa bansa, kontrolado na rin daw ng iisang grupo lamang. Bukod sa pangalang David Tan na lumutang sa mga balita dahil sa tinagurian umano siyang “Smuggling King,”
UMIINIT ang isyu ng supply at presyo ng bigas. Inamin ng pamahalaan na tumataas ang presyo ng bigas at nagkakaproblema sa supply nito sa ilang lugar ng bansa. Sinabi nito na nasa P1 hanggang P2 kada kilo ang average na rice price hike at pangunahing dahilan nito ay ang pagmamanipula ng ilang negosyante sa pamamagitan ng pagtatago ng bigas at unti-unti lang na pagbebenta nito pero sa mas mataas nang presyo. Inalmahan naman ito ng mga rice trader at sinabing inepektibo ang sistema ng gobyerno sa naturang usapin. Ang mga magsasaka naman ay patuloy na inirereklamo ang kakulangan ng suporta ng pamahalaan sa kanila at sinasabi rin ng mga ito na lalo silang naghihirap dahil sa polisiyang “rice importation” ng gobyerno.
Binatikos din nila ang napaulat na planong pag-import na naman ng gobyerno ng 700,000 metriko tonelada ng bigas sa darating na Nobyembre. Sa gitna nito ay ang publiko o ordinaryong consumers ang labis na apektado. Base sa ulat, umaabot na sa P5 per kilo ang rice price hike at ang ilan sa uri ng bigas na karaniwang kinokonsumo ay umaabot na ngayon sa P45 hanggang P48 ang presyo kada kilo. Ang panibagong problema sa bigas ay pinangangambahan umanong matulad sa grabeng rice crisis noong 2008 kung saan ay umabot sa napakataas na halaga ang butil at pumipila pa ang mga tao upang makabili nito. Kaugnay nito, napag-usapan namin muli ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ang kanyang panukalang Emergency Rice Reserves Act (Senate Bill 1063) na naglalayong matulungan ang pamahalaan na mas epektibong mapangasiwaan ang rice concerns sa bansa.