Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
Matandang Populasyon: Japan
e_crimson
Created on January 1, 1
Jenica B. Camo 10-osmena AP Project
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
Transcript
M a t a n d a n g P o p u l a s y o n
Ang bansang Japan ay tanyag sa iba't-ibang bagay at sila rin ay kasali sa mga nangungunang mga bansa. Ang kanilang literacy rate ay halos nasa 100% at ang bilang ng taong walang trabaho ay mas mababa pa sa 4%. Sila'y nakatanggap ng 18 noble Prize winners sa larangan ng Chemistry, Medicine, at Physics. 23% ng kanilang populasyon ay mga matatandang may edad na 60 pataas. Sakanila rin nag mula ang kinahihiligan ng mga tao na anime.
Ang matandang populasyon ay ang pagkakaroon ng lamang sa bilang ng mamamayan na may gulang na 65 pataas na nagdudulot sa pagtaas ng "dependency ratio". Ito rin ay nakakasama sa susunod na henerasyon; ang Japan ay isa sa mga bansang may "matandang populasyon" at ayon sa mga eksperto ay pagdating ng 2060, ang bilang ng mga Hapon ay mababawasan ng 1/3.
1) Pagtaas ng gastos sa panganganak at pagpapalaki ng anak 2) Pagtaas ng bilang ng kababaihang tagtatrabaho 3) Pagtaas ng bilang ng taong di kasal 4) Pagbabago sa kapaligiran ng mga kabahayan at marami pang iba ngunit ang pinaka malaking salik ay ang pagiging abala nila sa kanilang mga trabaho.
1) Pagtaas ng gastos sa panganganak at pagpapalaki ng anak 2) Pagtaas ng bilang ng kababaihang tagtatrabaho 3) Pagtaas ng bilang ng taong di kasal 4) Pagbabago sa kapaligiran ng mga kabahayan at marami pang iba ngunit ang pinaka malaking salik ay ang pagiging abala nila sa kanilang mga trabaho.
1) Pagtaas ng gastos sa panganganak at pagpapalaki ng anak 2) Pagtaas ng bilang ng kababaihang tagtatrabaho 3) Pagtaas ng bilang ng taong di kasal 4) Pagbabago sa kapaligiran ng mga kabahayan at marami pang iba ngunit ang pinaka malaking salik ay ang pagiging abala nila sa kanilang mga trabaho.
Maraming sanhi ang pagkakaroon ng matandang populasyon ng Japan. Ilang rason ay ang: 1) Pagtaas ng gastos sa panganganak at pagpapalaki ng anak 2) Pagtaas ng bilang ng kababaihang tagtatrabaho 3) Pagtaas ng bilang ng taong di kasal 4) Pagbabago sa kapaligiran ng mga kabahayan at marami pang iba ngunit ang pinaka malaking salik ay ang pagiging abala nila sa kanilang mga trabaho.
.Ang pagkakaroon ng matandang populasyon ay may mga masamang naidudulot sa mamamayan kagaya ng: pagdami ng mga abandonadong istraktura, pagonti ng mga trabahador dahil hindi na kayang gampanan ng mga may edad ang kanilang mga gawain, mababa na lamang ang bilang ng mga kabataan na maaaring makaapekto sa kalagayan ng susunod na henerasyon, at marami pang iba.
Ang pagkakaroon ng matandang populasyon ay maaaring magdulot ng mga epekto sa iba't-ibang bagay, at isa na ang gobyerno dito. Magiging mababa ang bilang ng manggagawa at maaari itong makaapekto sa ating ekonomiya na makakaapekto sa ating gobyerno dahil mawawalan ito ng 'income', mas mag popokus din ang gobyerno sa "health services" at "pension" para sa mga matatanda.
Ilan sa epekto ng matandang populasyon sa ekonomiya ng Japan ay maaaring bumaba ang kanilang ekonomiya dahil sila'y walang sapat na trabahador at sila'y hindi kikita. Sila'y mahihirapan din sa pagbenta ng ilang mga produkto dahil ang karamihan sa kanilang populasyon ay mga matatanda.
Ang problemang hinaharap ng Japan na pagkakaroon ng "matandang populasyon" ay hindi nararanasan ng Pilipinas; sa katunayan ay, kabaliktaran ang nangyayari sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nasa timog Asya na mabilis lumaki ang populasyon at karamihan sa mga pamilyang maraming anak ay kabilang sa mga walang kakayahan para suportahan ang kanilang mga sarili, kaya't marami ang naghihirap dahil hindi nila masuportahan ang kanilang pamilya.
Ang solusyon para sa lumalalang kalagayan ng Japan ay ang pagbibigay ng "day off" sa mga trabahador nila dahil malaking rason ang pagiging abala nila sa pagtatrabaho. Maganda rin gayahin ang ginawa ng Russia na pagbibigay ng direktang cash incentives sa mga babaeng mas may maraming anak; o kagaya naman ng ginawa ng Romania na mas mataas ang singil sa buwis ng mga walang anak. Maraming maaaring imungkahi para maibsan ang problemang ito ngunit sa huli, nakasalalay pa rin sa gagawing kilos ng tao at ng gobyerno ang mangyayari sa sitwasyong ito.